Kaninang umaga ay ginanap ang awarding ceremony ng Musiko Virtual Competition 2020 na may 275 official participants, 44 categories, at 12 international judges. Sa 115 awards, nakakalap ang Lungsod ng Bacoor ng walo.
Maligayang bati sa lahat ng lumahok at nanalo sa Musiko Virtual Competition 2020 at sa City Tourism Office na nanguna sa pagpapatupad ng paligsahang ito.