Pormal na nai-turnover ang mga tablets sa Department of Education Bacoor na tinanggap ng 5 School Heads sa flag raising ceremony kaninang umaga. Ang mga ito ay ipapamahagi na ng mga teachers at school heads sa kanilang mga estudyante ngayong linggo.
“Sa abot ng ating kakayahan, pinakilos natin ang makinarya ng ating lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral,” sabi ni Mayor Lani.