Dahil sa volume ng sludge na pumapasok sa aming treatment plants simula noong Huwebes hanggang sa kasalukuyan bunsod ng Bagyong Ulysses, kinakailangan naming linisin ang aming mga basin upang bumalik sa normal ang volume ng tubig na aming pinu-produce.
Kaya naman makakaranas ng DAILY WATER SERVICE INTERRUPTION ang ilang customer namin simula Nobyembre 18, 2020, hanggang Nobyembre 24, 2020. Makikita sa ibaba ang listahan ng mga apektadong barangay at ang kani-kanilang interruption schedule. Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply.
Kapag bumalik na ang supply ng tubig sa inyong lugar, maaaring malabo o may kulay ang unang-labas na tubig. Padaluyin muna ito nang panandalian hanggang sa luminaw ang tubig.

Patuloy kaming humihingi ng inyong pang-unawa. Makaaasa kayo sa aming pagsisikap na maisaayos agad ang naging epekto ng Bagyong Ulysses sa aming operasyon. Maraming salamat po.