Isang makabuluhang programa ang inilunsad noong November 20, 2023, para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Chairpersons at Councilors ng Lungsod ng Bacoor. Dito ay kanilang tinalakay ang dalawang mahahalagang usapin: ang kapayapaan sa komunidad at ang paglaban sa problema ng droga.
Sa pamamagitan pamamagitan ng programa na ito na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong lingkod-bayan na magkaroon ng kaalaman at kasanayan upang maging mga lider na may kakayahan na tumugon at magbigay solusyon sa mga hamon at pangangailangan ng kanilang komunidad, partikular na sa usapin ng kapayapaan at paglaban sa droga.
Kasama sa mga nagpaabot ng kanilang suporta sa mga ito sina Mayor Strike B. Revilla, LYDO Head Angie Cariaso, Outgoing SK Federation President Mac Raven Espiritu, CLGOO of DILG – Bacoor Reginaldo S. Revilla, City Councilor Karen Evaristo, Provincial Director of DILG – Cavite Engr. Danilo Nobleza, PMAJ Ma. Verginia Formanes, Local Gov’t Operation Officer Engr. Allan Salvatus, Provincial Legal Officer Atty. Annaliza Mercene-Pulmones, LTCOL Bruce Tokong, at Professor Ivan Fermanejo.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.