Noong November 21, 2023 pinangunahan ni Congressman Bryan Revilla ang Awarding ng Agimat Hardin ng Bayan kung saan nakasama nito si Cong. Lani M. Revilla, Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ibang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang Agimat Hardin ng Bayan ay proyekto ng AGIMAT PARTYLIST na inumpisahan noong Marso 2023. Mahabang programa ang pinagdaanan ngunit sa huli ay nakamit ng mga kalahok ang mga bunga na ngayong araw ay ipinamahagi narin sa mga dumalo.
Tatlong kategorya ang pinaglabanan ng mga lumahok na kahapon ay kinilala rin.
HOUSE CATEGORY
1st Place 95.67%
Victoria Villa
2nd Place 93.93%
Ms. Nieves Dela Cruz
3rd Place 91.17%
Silverhomes Classic
BARANGAY CATEGORY
1st Place 92%
Baragay Molino 4
2nd Place 90%
Barangay Mambog 5
3rd Place 87%
Barangay Mambog 1
SCHOOL CATEGORY
1st Place 95%
Bacoor National High School
2nd Place 93%
Mabolo Elementary School
3rd Place 92%
Queensrow Elementary School
Tumagal ng anim na buwan ang kanilang pagtatanim ngunit hindi naman nabigo ang ating mga kababayan dahil sa laki rin ng papremyong kanilang nakuha.
Sa Barangay Category 90,000 ang 1st, 70,000 ang 2nd, 50,000 naman ang 3rd. Sa School Category 80,000 ang 1st, 60,000 ang 2nd, 40,000 ang 3rd. Sa Household Category 70,000 and 1st, 50,000 ang 2nd, 30,000 ang 3rd.
Sa huli, nagpasalamat si Cong. Bryan Revilla sa mga lumahok at sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Cong. Lani M. Revilla sa suportang ibinigay nito sa proyekto ng Agimat PartyList.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay susuporta sa Agimat PartyList dahil ito lang ang Partylist na katuwang ng Pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
SHARE
Previous articleTech4Ed Awards
Next article