Noong September 29, 2023 umulan man o umaraw, patuloy pa rin ang labanan para sa Drumline Battle, na ginanap sa Barangay Alima Oval. Ang paligsahan na ito ay pinangungunahan nina Mr. Edwin Guinto at ng mga staff ng City Tourism Development Office.
Narito ang mga iilang grupo na sumalang sa kategorya ng Drumline Battle:
Bagong Nayon Soaring Eagle Community Band mula sa Antipolo City
Oragon Drumline mula sa Province of Albay
Kalawaan Drumline mula sa Pasig City
Elite Stars Drumline mula sa Quezon City
Sandugo Drumline mula sa Tondo, Manila
FEU Drumline ng Far Eastern University Morayta
Dumalo rito ang ating Alkalde na si Hon. Strike B. Revilla. Ayon sa layunin ng kaganapan nito ay ang kagandahan sa talentong pinoy kaugnay sa larangan ng Drumline.
Isa rin sa dumalo ay si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, City Councilor Alex Gutierrez at ni City Councilor Karen Sarino-Evaristo.
Sa mainit na laban ng kategoryang Drumline Battle nagwagi ang Kalawaan Drumline ng 2nd Runner-up, Ang Sandugo Drumline ay nakamit ang 1st Runner-up, at ang nakasungkit ng Champion ay ang FEU Drumline.
Isang pagbati mula sa lokal ng pamahalaan ng Bacoor!
As We Strike, As One
Dito Sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.