Sa nais ng pamahalaang lungsod na matulungan ang mga bagong graduates makahanap ng tama at sapat na trabaho, naglunsad ito ng iba’t ibang programa. Kabilang dito ang Career Information Guidance and Employment Coaching ng ating Public Employment Service Office. Sa pangunguna ni Doc Abraham de Castro, nagtungo ang PESO sa St. Peregrine Institute upang matulungan ang mga kabataan na gumawa ng tamang career choices para sa ikagaganda ng kanilang kinabukasan.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani