Nakakumpiska ng 541.8 kilong mislabeled assorted frozen meat products ang City Meat Inspectors ng Bacoor City Veterinary Service Office kasama ang NMIS Region 4A na pinangungunahan ni George Garcia. Naganap ang pagkumpiska kaninang madaling araw sa Zapote Market. Patuloy ang inspeksyon ng mga kinatawan ng pamahalaang lungsod sa mga delivery trucks upang makasigurong safe ang lahat ng mga pumapasok na goods sa Bacoor City.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani