Nakiisa ang lungsod ng Bacoor sa pagdiriwang ng International Youth Day o Linggo ng Kabataan 2023 sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Brgy Molino IV, sa pangunguna naman nila Kapitan Jefrey Campaña at SK Chairperson Ivahna Matta.
Ang layunin ng programa ay matulungan ang mga kabataan sa pamamagitang ng pamimigay ng school supplies, at food packs. Maging ang mga solo parents at PWD ay nabigyan din ng negosyo kit para makatulong sa gastusin sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa ay nayayakap natin ang mga kabataan at nabibigyan natin ng magandang oportunidad para sa kinabukasan.