PAKINGGAN: Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigin sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.
Higit na nakakahawa ang sakit na Pertussis. Kung napapansin ang ganitong pag-ubo sa mga bata, KonsulTayo sa pinakamalapit na Health Center!
Matagal ang gamutan sa sakit na Pertussis at tanging bakuna lamang ang makakatulong maiwasan ang malubhang sintomas at komplikasyon ng Pertussis.
Pabakunahan na ang mga batang 6 na linggo hanggang 23 buwang gulang para Chikiting Ligtas dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.