Mainit na sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ang mga bise alkalde mula sa iba’t-ibang lungsod sa lalawigan ng Cavite sa idinaos na 9th Cavite Vice Mayor’s League Monthly Meeting noong August 25, 2023, sa Bacoor Legislative and Disaster Resilience Building.