Pinamunuan ni Mayor Strike B. Revilla ang “Workshop on the Formulation of Peace and Order and Public Safety Plan FY 2023-2025” sa Tagaytay nitong September 15-17, 2022. Layon ng aktibidad na ito na makabuo ng isang matibay na planong mas magpapaigting ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Bacoor saklaw ang taong 2023-2025.
Matagumpay ang isinagawang POPS Plan Formulation 2023-2025 na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang mga department heads ng ilang mga ahensiya ng City Government of Bacoor.