Noong August 8, 2023, ipinakilala na sa mga Bacooreño ang bagong itatayong Villar City na matatagpuan sa Barangay Molino IV. Ayon kay Senator Mark Villar ito ay 3000 hectares na lupain na gagawing Bonifacio Global Center o BGC-inspired na mayroong hotel, golf course, casino, leisure, at iba pa.
Naging saksi ang ating butihing Mayor Strike B. Revilla sa paglunsad ng bagong siyudad ni Villar na itatayo sa Bacoor na kung saan magkakaroon din ito ng mga alternate route patungo sa iba’t-ibang siyudad sa probinsya ng Cavite at ibang siyudad sa NCR.
Dinaluhan ito ng mga espesyal na panauhin na sina Manuel Bamba Villar Jr., Former President of the Senate of the Philippines, Hon. Mark Villar, Senator of the Republic of the Philippines, Hon. Camille A. Villar, Deputy Speaker District Representatives Las Piñas, Manuel Paolo Villar President & CEO at Vistaland & Lifescapes, Hon. Jonvic Remulla, Governor of Province of Cavite, Hon. Alex L. Advincula, Mayor of Imus City, Hon. Jennifer Barzaga, Mayor of Dasmariñas City, Elpidio Barzaga Jr., Former Mayor of Dasmariñas, Hon. Luis Ferrer IV, Mayor of General Trias, Hon. Alston Kevin A. Anarna, Mayor of Silang, Hon. Eric Olivarez, Mayor of Parañaque, at Hon. Rozzano Rufino B. Biazon Mayor of Muntinlupa.
Ito ay makatutulong sa Bacooreño dahil maraming magbubukas na bagong oportuninad na magiging daan upang makatulong sa kanilang pamumuhay.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.