Nagsagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga aso at pusa ang City Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ella Mar Gandia sa Georgetown, Barangay Molino 4, City of Bacoor, Cavite.
Tinatayang aabot sa mahigit 200 na aso at pusa ang nabigyan ng vaccine kung saan naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang Barangay Molino 4 sa pangunguna ni Kap. Jeff Campaña na hikayatin ang mga pet owner na pabakunahan ang kanilang alagang aso at pusa.
Sinusuportahan din ito ni Mayor Strike B. Revilla para maging ligtas ang mga alagang aso at pusa kahit nasa labas o loob ng bahay.
Kung nais pabakunahan ang inyong mga alaga makipag-ugnayan lamang po kayo sa inyong Barangay para sa schedule.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.