Matagumpay na ginanap ng mga Punong Barangay ang kanilang unang pagpupulong sa Bulwagan ng Liga ng Barangay noong ika-17 ng Enero 2024. Dumalo sa okasyon sina Mayor Strike B. Revilla, Atty. Khalid Atega, Ginoong Richard Quion, at Konsehala Karen Sarino Evaristo.
Isa sa layunin ng pagtitipon ay ipakilala si Board Member Rafael Paterno III bilang pangalawang pinuno na LNB President – Cavite Chapter na nagmula sa ating Lungsod. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga Kapitan na talakayin ang mga usapin at suliranin sa kanilang mga barangay.
Ipinahayag ni Mayor Strike B. Revilla ang suporta sa mga Kapitan at ang kahalagahan ng kanilang papel sa pag-unlad ng Lungsod. Binati rin ni Atty. Khalid Atega ang mga Kapitan sa kanilang dedikasyon at hinikayat silang makilahok sa pamahalaang lokal.
Sa pagtatapos ng pagtitipon, ipinahayag ng mga Kapitan ang kanilang pasasalamat sa LNB at sa pamahalaang lungsod sa pag-organisa ng isang makabuluhang okasyon. Nangako silang magtutulungan at suportahan ang isa’t – isa sa layuning mapabuti ang pamumuhay sa kanilang mga barangay.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.