Inorganisa ng Bacoor City Local Civil Registrar Office ang kauna-unahang Civil Wedding noong January 24, 2024. Ito ay pinangunahan ni Ms. Tess Cameros na ginanap sa SBR Conference Room.
Ang ating napakasipag na Mayor Strike B. Revilla ang nanguna sa banal na sakramento, ang ikakasal ay ang magkasintahan na sina Rexulus Taduran Palma, 31 taong gulang at residente ng Barangay Dulong Bayan at si Monica Ferrer Flores, 25 taong gulang na mula sa Pasay City.
Ang Pamahalaang Lungsod ay lugod na binabati ang bagong kasal. Pinapalangin namin ang kabutihan, pananampalataya, pagmamahalan, at pagsasama sa inyong bagong yugto nang pagsasama.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.