Noong April 11, 2024, pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola kasama si Coun. Alde Pagulayan ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mahigit walong daang benipisyaryo ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) isang programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Pilipinong nangangailangan.
Ang pondo na ito ay galing sa butihing Ina ng Lungsod Cong. Lani M. Revilla na hindi tumitigil para makapag bigay ng tulong Medical, Pinansyal, Burial sa mga BacooreƱo.
Ibinigay narin ang Wheelchair sa mga benipisyaryong lumapit sa tanggapan ni Cong. Lani M. Revilla.
Sa mensaheng iniwan ni Cong. Lani M. Revilla, ibinahagi nito ang mga mahahalagang batas na kanilang naipasa sa Kongreso, Senado na ngayon ay ganap ng batas at mapapakinabangan na ng mga Pilipino. Nagpaalala rin ang Ina ng Lungsod na sundin parin ang mga ordinansang ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
Sa huli, sa mensahe ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, ipanaalala rin nito ang mga nagawang programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod na hanggang ngayon ay patuloy paring ginagawa sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!