January 03, 2023 – Sa unang linggo ng bagong taon, nagsimula na ang isang Training-Seminar para sa mga aplikante ng Mayor’s Working Permit sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO).
Ang nasabing Training-Seminar ay layunin na magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa City Ordinance 248-22 na may kinalaman sa Disaster Preparedness Orientation. Ito ay isang kinakailangang hakbang para sa mga kukuha ng Mayor’s Working Permit upang maging handa sa mga darating na kalamidad.
Pinangungunahan ng mga tagapangasiwa mula sa BDRRMO, na sina Mr. Richard T. Quion, Mr. Enrique M. Nalzaro III (Disaster Preparedness Trainer), at iba pang mga staff, ang nasabing Training-Seminar. Isinagawa ito sa Legislative and Disaster Resilance Building 5th Floor Training Hall, at mayroong mga oras ng sesyon sa umaga at hapon:
Morning Session:
8 AM hanggang 10 AM
10 AM hanggang 12 NN
Afternoon Session:
1 PM hanggang 3 PM
3 PM hanggang 5 PM
Patuloy pa rin ang BDRRMO sa pagbibigay ng ensayo at kaalaman tungkol sa Disaster Preparedness para sa mga kukuha ng Mayor’s Working Permit.
———————————————
Narito ang ilan sa mga kinakailangang dokumento para sa Mayor’s Working Permit:
– Barangay Clearance
– Referral Letter (Kung ikaw ay hindi residente ng Bacoor)
– Police Clearance o NBI Clearance
– Health Permit
– Cedula
– Disaster Risk Management Training-Seminar
Mangyaring siguraduhin na mayroon kayong mga nasabing dokumento upang maging handa sa pagkuha ng Mayor’s Working Permit. Salamat!
As We Strike As One,
Dahil sa Bacoor At Home Ka Dito