Pinagunahan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Dr. Abraham D. De Castro – Department Head I at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang oryentasyon sa mahigit isang daang benepisyaryo ng TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISAVANTAGED/DISPLACED WORKERS (TUPAD).
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay patuloy na nakikipag tulungan sa National Government para maibigay ang serbisyo na kailangan ng mga Bacooreño.
Sa pamamagitan ng PESO Bacoor mas nabibigyan ng trabaho ang mga Bacooreñong walang trabaho. Sa pamamagitan ng programa ng DOLE ang mga walang trabaho sa ngayon ay mabibigyan ng tulong pinansyal na magagamit nila para sa kanilang pag-aaplay o makatulong ito sa kanilang nais na negosyo.
Dumalo naman si Ms. Khei Sanchez na kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla para iparating ang mga programa at proyekto na ginagawa sa Lungsod ng Bacoor. Pinaalala rin ni Ms. Khei ang mga ordinansang patuloy na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.