Naganap ang isang mahalagang pagpupulong na naglalayong talakayin ang plano para sa pagbubukas ng ruta na magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Perpetual Molino. Pinangunahan ito ng City Engineering Office.
Kasama sa pagpupulong sina Mayor Strike B. Revilla, na nagsusulong ng proyektong ito, Engr. Jicky Jutba na pinuno ng City Engineering Office, at Arch. Maricon De Castro.
Kabilang rin sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa University Of Perpetual Help System Dalta Molino, sina Mr. Bennyl Ramos, Mr. Eilfredo LeaƱo, Mr. Remo Rayel, at Ms. Rose Lara.
Ang pangunahing layunin ng pagpupulong na ito ay talakayin ang plano para sa proposed Solidarity Route mula Perpetual patungong Pag-asa. Layunin ng ruta na ito na magbigay ng alternatibong daan upang mapaluwag ang trapiko sa nasabing lugar.
Naganap ang pagpupulong ika-12 ng Abril, 2024, sa Strike Conference Room. Sa pamamagitan ng pag-uusap na ito, inaasahang mabibigyan ng solusyon ang problema sa trapiko sa Perpetual Molino.
Pinasalamatan ng ating Mayor Strike B. Revilla ang mga dumalo, lalo na ang mga kinatawan ng University Of Perpetual Health System Dalta Molino, sa kanilang aktibong partisipasyon. Ang kanilang suporta ay mahalagang bahagi sa pagpapaunlad ng trapiko sa ating komunidad.
Patuloy ang pagsisikap ng City Government of Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, upang matugunan ang mga suliranin sa imprastraktura at trapiko sa ating lungsod.
Naniniwala ang pamahalaang lungsod na ang pagbubukas ng proposed Solidarity Route ay magbibigay ng magandang epekto sa daloy ng trapiko at magpapabuti sa pangkalahatang karanasan ng mga mamamayan sa paglalakbay.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.