Sa pangunguna ng Office of the City Health Services na pinamumunuan ni Dra. Ivy Yrastorza, matagumpay na isinagawa ang libreng tuli para sa mga kabataan na nasa edad 12 pataas mula sa Barangay Mambog 3. Ang nasabing aktibidad ay ginanap kahapon, Hulyo 9, 2024, simula 9 ng umaga sa Brgy. Mambog 3 Covered Court.

Kasama sa mga tumulong sa programa ang mga intern doctor mula sa Perpetual Las PiƱas, na naglaan ng kanilang oras at serbisyo para sa kabuuang 136 na kabataan.
Ang libreng tuli ay isa sa mga programa na patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, upang makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga lugar na nangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.