May 7, 2024 – Isinagawa ang isang courtesy visit para sa tatlong mag-aaral na nagwagi sa 2023 Regional Science and Technology Fair.
Personal na bumisita ang mga mag-aaral na sina Maria Fatima R. Reyes, Charliemagne O. Moratalla, at Elise Yvonne Macabeo sa tanggapan ni Mayor Strike B. Revilla. Ang mga mag-aaral na ito ay mula sa mga Senior High Schools na nasa loob ng Bacoor Elementary School.
Ang mga mag-aaral na ito ay nagwagi sa kategoryang Tuklas Mathematics and Computational Science Team sa 2023 Regional Science and Technology Fair (RSTF) na ginanap sa Cainta Rizal at kung saan sila ang nanguna bilang 1st Place sa kanilang kategorya.
Ang layunin ng courtesy visit ay upang personal na makilala ang mga mag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na makausap sila ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla.
Inaasahang dadalo ang mga mag-aaral sa Flag Raising Ceremony sa darating na Lunes upang mabigyan sila ng pormal na pagkilala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, ay patuloy na nagbibigay ng suporta at pagkilala sa mga mag-aaral na nagpapakita ng kahusayan at tagumpay sa iba’t ibang larangan. Ang courtesy visit na ito ay patunay ng patuloy na pagsuporta at pagpapahalaga ng lungsod sa edukasyon at tagumpay ng mga kabataan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.