April 11, 2024 pinangunahann ni Mayor Strike B. Revilla at nila Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Councilor Alex Gutierrez, Coun. Karen Evaristo, ang Blessing Ceremony ng JS STRIKE GYM sa Barangay Dulong Bayan, City of Bacoor, Cavite.
Ang JS Strike Gym ay bagong renovate para mas maging maayos, maganda at mas mapakinabangan hindi lang ng mga residente ng Dulong Bayan maging ang ibang mga Bacooreño na nais gumamit nito. Isa ang JS Strike Gym sa pinaka matagal na Gym sa Lungsod ng Bacoor, ito na yata ang pangatlong pinaka malaking Gym na naipagawa ni Mayor Strike sa kanyang termino.
Dumalo rin ang punong Barangay na si Kap. Jade Emson Palma kasama ang kanyang mga kagawad sa pangunguna ni Kagawad Macky Atencio. Kasama rin sa dumalo si Mr. Arthuro Santos, Pres. Larry Agui, Senior Pres. Annabelle Monzon, Senior Pres Cluster Sally Pamuti, PWD Pres. Joseph Redondo, City Engr. Office Head Engr. Jicky Jutba, Engr. Renz Bautista, Sk Chairman Johnzell Aguilar, Zumba Ladies, 4PS, UGNAY Members at ibang NGO na sumuporta sa programa.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla binigyang diin nito ang mga programa at proyekto na patuloy na ginagawa sa Lungsod ng Bacoor para mas makatulong sa mga Bacooreño. Ipinaalala rin nito ang mga ordinansang ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
Ibinida naman ni Mayor Strike B. Revilla ang mga proyektong parating sa Dulong Bayan isa nanga rito ang Housing Project na gagawin sa JS Subdivision kung saan libo-libong mga Bacooreño ang pweding mag apply para magkaroon ng sariling bahay.
Sa huli, nagpasalamat si Mayor Strike sa lahat ng dumalo at nakiusap na magkaisa para maging maayos ang samahan at magkaroon ng maayos na serbisyo para sa mga Bacooreñong nangangailangan ng tulong.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.