Nagwagi sa kampeonato ng The Voice Kids of Bacoor 2023 si Del Venize Olimba mula Mambog 2 at sa The Voice of Bacoor 2023 naman na si Jhennie Fe Ochavillo na kung saan nag-uwi ng tropeyo at tumatagingting na ₱10,000.
Forty three na participants ang nakilahok dito kung saan ginanap ito kahapon, June 17, 2023, sa SOMO – A Vista Mall.
Laking pasasalamat ni Mayor Strike B. Revilla sa SOMO, Task Us, at University of Perpetual Help – Molino sa pagsuporta nito sa patimpalak na kung saan layunin nito na mahasa ang mga talento ng mga Bacooreño sa pagkanta.
Ang kompetisyon na ito ay pinangunahan ng Bacoor City Tourism Office sa pamumuno ni Sir Edwin Guinto.
YES sa mga talentadong Bacooreño!
We Strike As One!
Dahil sa Bacoor At Home Ka Dito!