Sa isang makabuluhang pagtitipon na inorganisa ng Team Revilla, nagsagawa ng espesyal na aktibidad upang maghatid ng tulong sa mga mamamayan ng Bacoor. Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang nasabing proyekto kasama ang mga konsehal na sina Coun. Karen Sarino Evaristo at Coun. Alex Gutierrez.
Nagpadala rin ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng video ang mga kilalang personalidad tulad nina Senator Ramon Bong Revilla Jr., Cong. Lani Mercado Revilla, Agimat Representative Cong. Bryan Revilla, at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.
Kabilang sa mga dumalo sa event ang mga residente ng Barangay Niog na pinamumunuan ni Kapitana Alma Camarce at ang kanilang Konseho, ang mga residente ng Barangay San Nicolas 1 na pinamumunuan ni Kap. Alfredo Kalinisan at ang kanilang Konseho, at ang mga residente ng Barangay San Nicolas 2 na pinamumunuan ni Kap. Jonnel Eusebio at ang kanilang Konseho.
Ang pangunahing layunin ng event ay ang pamamahagi ng bigas mula sa Team Revilla. Kasama rin sa programa ang lektura mula sa mga tauhan ng BFP (Bureau of Fire Protection) ukol sa fire prevention, at mula sa BDRRMO (Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office) ukol sa mga safety tips.
Naging mga highlight ng event ang mga sumusunod: ang pasasalamat ng Team Revilla sa suporta ng mga Bacooreño na ipinahayag ni Mayor Strike B. Revilla, ang pagdiriwang ng Women’s Month, ang pagpapaalala sa mga ordinansa, ang pagpapakilala ng Paleng-QR PH, ang paggamit ng 1 ticketing system, at ang kantahan at sayawan ng mga dumalo. Isa ring napag-usapan sa event ang Revilla Law na isinulong ng ating magiting na Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Ang event na ito ay naganap sa Strike Gymnasium noong ika-22 ng Marso 2024. Ito ay isang malaking tagumpay na nagpapakita ng malasakit at suporta ng Team Revilla sa mga mamamayan ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.