Bumisita sa Office of the Mayor ngayong araw ika-2 ng Abril, 2024, kung saan personal na ipinakita sa ating butihing Mayor Strike B. Revilla ni Teacher Raffy Granado ang kanyang mga obra na imahe ng alkalde.
Si Teacher Raffy Granado ay isang guro mula sa Molino Elementary School na kilala sa kanyang husay sa pagguhit at pagpipinta. Bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagkilala sa kanyang mga likhang sining, nagbigay siya ng mga obra tulad ng Spray Painting at Charcoal Portrait kay Mayor Strike B. Revilla. Ang Spray Painting po ay kanyang nilikha noong March 25 sa nakaraang Flag Raising.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Strike B. Revilla kay Teacher Raffy Granado sa kanyang mga natatanging likhang sining. Ipinahayag rin niya ang kanyang suporta at pagkilala sa mga guro sa buong lungsod ng Bacoor.
Ito ang patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa bawat isa, patuloy na magiging maunlad ang sektor ng edukasyon sa Bacoor. Ang mga guro tulad ni Teacher Raffy Granado ay patuloy na nagbibigay – inspirasyon at nagpapalago ng mga talento at kakayahan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.