Naging matagumpay ang “Tamang Impormasyon Nutrisyon, Diabetes ay may Solusyon”, isang seminar tungkol sa diet, insulin, at diabetes upang mas mapalawak at mapalalim ang kaalaman ng mga Bacooreño sa wastong pangangalaga sa kalusugan para rin maiwasan ang paglala ng anumang karamdamang kakabit ng diabetes. Ito ay proyekto na pinangunahan ng City Health Office headed by Dra. Ivy Yrastorza sa pamumuno ni 24/7 Mayor Strike B. Revilla. Dumalo rin dito si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola na nagbigay ng mensahe ng pagpapaalala sa kahalagahan ng kalusugan para sa patuloy na kaunlaran ng pamumuhay.