UGNAYAN SA BARANGAY noong July 12, 2023 sa Strike Gymnasium dinaluhan ng mahigit 2,500 na Bacooreño mula Talaba 1,3 at 7
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola kasama si Governor Jonvic Remulla at Vice Gov. Athena Tolentino ang UGNAYAN SA BARANGAY noong July 12, 2023 sa Strike Gymnasium.
Pinayuhan din ni Gov. Remulla ang mga Bacooreño na suportahan ang magaganap na PLEBISITO sa July 29, 2023 sa Lungsod ng Bacoor.
Ang pagsuporta ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla at Vice Gov. Athena Tolentino ay ipinakita sa Ugnayan sa Barangay dahil sa mensahe na kanilang iniwan sa mga Bacooreño.
Nagkaroon rin ng Voters Education para sa mga residente ng tatlong Barangay kung saan si Comelec Officer Annaliza Ortiz ang siyang nanguna para ipaliwanag at ituro ang mga dapat gawin sa araw ng plebisito. Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na iparating sa ating mga kababayang Bacooreño kung gaano kahalaga ang Barangay Merging.
Sa kalagitnaan ng programa pinasaya naman ni Gov. Jonvic Remulla ang mga Bacooreño sa raffle ng Ugnayan na ang mga mabubunot ay mag uuwi ng 1,000 to 30,000 pesos. Ang lahat ng pumunta ay mag-uuwi rin ng bigas at pagkain.
Dumalo sa Ugnayan sa Barangay sila punong Barangay Ernesto G. Mateo ng Talaba 1, Kapitana Coralyn L. Pulido ng Talaba 3, Kapitan Renato C. Dizon ng Barangay Talaba 7 maging ang mga Kagawad, tanod at Barangay staff.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa suportang ibinibigay ni Gov. Jonvic at Vice Gov. Athena sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.