Maraming mga kababayan natin ang nagpunta upang mag apply at mag renew ng kani-kanilang mga Permits. Ang mga nagpunta ay napa thumbs up at masayang umuwi dala ang kanilang mga approved Business Permits license , dahil mabilis at Organisado ang sistema simula sa First step hanggang sa Releasing ng kanilang mga Permits.
Ang programang ito ay tatagal hanggang January 20, 2023 mula 8am – 5pm. Ito ang isa sa mga programa ni Mayor Strike B. Revilla na nais niyang matutukan para sa mas lalo pang umunlad ang ekonomiya ng Lungsod ng Bacoor.
Sa mga nais na mag apply para sa New Business mayroon din sa MainSquare Strike sa Serbisyo Satellite Office mula 10am-7pm. Ito ay puwede ring gawin thru online sa pamamagitan ng Business One Stop Shop (BOSS) portal: