Nagsagawa ng MEDICAL MISSION , RELIEF OPERATION AT PANGANGAMUSTA si Mayor Strike B. Revilla sa mga kababayang matinding naapektuhan ng bagyo. Kasama ni mayor sa pag-iikot ang kanyang maybahay na si Maam Chaye Revilla, mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at mga opisyal ng barangay.Inaasahang iikutan ng butihing mayor ang iba pang mga barangay na matinding naapektuhan sa kakatapos lang na kalamidad sa mga darating na araw.