Dumalo si Mayor Strike B. Revilla sa 103rd birthday ng Bacooreñong si Nanay Buenafe de Veyra mula sa Villa Angelina 2, Bayanan, na binisita rin niya noong isang taon at binigyan ng cash gift. Ang ating butihing Mayor mismo ang personal na bumati kay Nanay Buenafe tanda ng pagkilala, respeto, at pagiging malapit ng mga senior citizens sa kanyang puso.