Pinarangalan ang 419 na mga Bacooreñong iskolar na nagsipagtapos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Resources Education Vocational Institution Livelihood Academic (REVILLA) Center na pinangunahan ng Bacoor City Livelihood Office sa pamumuno ni Mrs. Carmelita Fabian-Gawaran, na ginanap sa Strike Gymnasium, March 17, 2023.
Kasama rin dito ang inisyatibo ni Cong. Bryan Revilla kung saan kanyang pinondahan ang Tulong Trabaho Scholarship Program (TTSP) na layuning makapagbigay pa ng tulong sa mga kababayang nating walang trabaho. Ang pagsasanay na ito ay pinapatibay ng RA No. 11230 kung saan itoy nasa ilalim ng programa ng TESDA Circular No. 131, series of 2019.
Nasa 145 rin ang nakapagtapos sa Bread and Pastry Production, Cake Making, Care giving, Driving, at Housekeeping.
Dumalo sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, City Councilor Toto Guerrero, Dr. Abraham De Castro – Head of Peso, Board Member Ram Revilla Bautista, Mr. Ramil Montoya – Representative of Ms. Rosalinda Talavera of TESDA Cavite, and Mr. Jayson Atienza – President of Bacoor Chamber of Commerce and Industry upang magbigay ng mensahe ng pagkilala sa pagsisikap ng mga nagsipagtapos.
Kabilang sa mga kursong natapos ng mga iskolar ay ang Basic Beauty Care, Basic Bread and Pastry, Commercial Baking, Basic Cookery, Basic Hairdressing, Basic Massage Therapy, Perfume Making, at Soap Making.
STRIKE AS ONE para sa magandang kinabukasan ng bawat Bacooreño, Dahil sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Maraming salamat po.