Mula sa dalawampung barangay na naglaban-laban, hinirang na kampyon ang Barangay Molino III sa ginanap na Strike As One Mobile Legend Cluster Tournament noong March 18, 2023, sa harap ng Hall of Justice. Ang koponan ay nag-uwi ng nagkakahalagang 20,000 pesos at gift cheques kung saan maaari silang bumili ng mga bagong sapatos.
Kinilala namang 2nd placer ang Barangay Molino I at 3rd placer ang Barangay Sineguelasan kung saan nag-uwi ang mga ito ng nagkakahalagang 10,000 pesos at 5,000 pesos pati na rin ng gift cheques.
Dumalo sa ML tournament ang Ama ng Lungsod ng Bacoor na si Mayor Strike B. Revilla at nagbigay ng makabuluhang mensahe para sa mga kabataang Bacooreño. Ang lahat ng ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Sangguniang Kabataan President Mac Raven Espiritu at Mr. Melo Matanguihan na nag-sponsor ng nasabing aktibidad.
STRIKE AS ONE sa patuloy na pagsuporta sa Kabataang Bacooreño! Congratulations po sa lahat ng mga nanalo!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
#SaBacoorAtHomeKaDito