Naganap kanina ang opening at blessing ng 5th building ng Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) kasabay ang pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo nito. Ang kilala dati bilang Bacoor District Hospital, ang STRH ay nagsimula na may isang building lamang at ngayo’y pinasinayaan ang ikalimang building ng pasilidad na pinangalan kay Senator Ramon Revilla, Sr. na nag-donate ng lupa para sa buong ospital. Isang malaking pasasalamat din kay Sen. Bong Revilla Jr. sa paglaan ng pondo para maisakatuparan ang proyektong ito.
Patuloy ang pagtaas ng kaledad ng serbisyong pang kalusugan sa STRH sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Mayor Strike B. Revilla, Sen. Bong Revilla Jr., Cong, Lani Mercado-Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola at mga City Officials ng Bacoor. Dumalo din si Congressman Bryan Revilla, Dr. Maria Rosario S. Vergeire, OIC-Secretary ng DOH at ang mga kawani ng STRH na pinamumunuan ni Dr. Ruby Ephraim M. Rubiano sa makabuluhang aktibidad na ito na nagbibigay din ng pangkalusugang seguridad sa bawat mamamayan di lamang sa lungsod ng Bacoor, kundi pati rin sa mga lungsod ng mga lalawigan sa Southern Tagalog Region.
Sa kongreso pa lamang, isinulong na ni Mayor Strike B. Revilla na ma turnover ang noon ay Bacoor District Hospital sa DOH, bilang Southern Tagalog Regional Hospital na siya namang nilagdaan ni dating Presidente Rodrigo Duterte, tanda ng kanyang dedikasyon upang mas mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
Layon ng pamahalaang lungsod na maging Level 3 DOH hospital ang STRH na may karagdagang bed capacities at manpower. Ito’y pagtutulungan nila Sen. Bong Revilla Jr., Cong. Lani Mercado-Revilla, Mayor Strike B. Revilla, at ng nagkakaisang puwersa ng pamahalaang lungsod.