Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng BPLO at CICU sa paninita sa mga store owners na lumalagpas at sumasakop sa sidewalk. Isinasagawa ang clearing operations alinsunod sa direktiba ni Mayor Strike B. Revilla para tiyakin na sinusunod ng mga mamamayan ang paglilinis ng mga nakaharang sa right of way ng kalsada at bangketa. Kasabay din sa paninita nila ang mga lumalabas ng walang face mask at dahil sa ating laban kontra COVID 19, ang pamahalaang lungsod ay namigay din ng mga face mask.
Katuwang din ng LGU ang Bacoor PNP upang masigurong mapayapa ang sinagawang clearing operations.