Noong September 29, 2023 , ginanap ang simultaneous tree planting na pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla kasama si Vice Mayor Rowena B. Mendiola at Sangguniang Panlungsod Members. Umabot sa 1,109 ang nakilahok, 44 public school na mayroong 903, City Employee na may 180, at ilang NGO na may 26. Tinatayang aabot naman sa mahigit isang libong Nedra tree ang naitanim sa kahabaan ng Daang Hari, Barangay Molino 4, gayun din sa kahabaan ng Molino Boulevard na ngayon ay nasa pangangalaga ng CENRO Bacoor.
Ang Pamahalaang Lungsod naman ng Bacoor ay nagpapasalamat sa Frabelle Fish Corporation sa pangunguna ni Ms. Kei Tiu-Laurel De Jesus sa pagsuporta sa taon-taong anibersaryo ng pagkatatag ng Bacoor.
Ang pakikipag tulungan ng DepEd at Barangay ay nangangahulugan na ang Executive Ordinance No. 79 ay pinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para sa pangangailaga ng inang kalikasan.
Patuloy naman na hinihikayat ni Mayor Strike B. Revilla ang mga Bacooreño na mag tanim dahil isa rin itong mahalagang gawain na makakatulong sa ating inang kalikasan.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.