Siya ay isinilang sa bayan ng Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 25, 1862. Si Evangelista ay nag-aral ng kursong Inhinyero sa Unibersidad ng Ghent sa bansang Belhika. Naging guro siya ng paaralan, negosyante, at kontraktor sa mga gawaing pampubliko sa Europa. Noong panahon ng Himagsikan, siya ay inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na mamahala sa paggawa ng mga trinsera na ginamit na kublihan ng mga Pilipinong mandirigma. Ito ay nakatulong ng malaki sa depensa laban sa mga Espanyol. Siya ay namatay at hinirang na bayani sa isang madugong labanan sa tulay ng Zapote noong 1897. (Calairo, 2019)
Calairo, E. (2019). Kasaysayan ng Bacoor (1671-1900): Unang Aklat. City Government of Bacoor.