Nagsimula ang SGLG Assessment ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Strike Multi-Purpose Hall. Ito ay magtatagal hanggang ngayong araw kung saan sila ay magkakaroon ng inspeksyon at pagtasa sa serbisyo at proseso ng buong Pamahalaan ng Lungsod ng Bacoor.
Layunin ng DILG na mabigyan ng pagkilala sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance ang isang Lungsod o Munisipalidad na may mahusay at maayos na pamamahala.
Ang SGLG Assessment ay ginagawa taon-taon ng DILG upang masiguro na ang pagbibigay ng serbisyo ng Local Government Unit (LGU) ay nasusunod ayon sa nakasaad sa batas.
Dinaluhan naman ang pagpupulong ngayong araw nina Mayor Strike B. Revilla, Councilor Karen Evaristo, at ng mga miyembro ng SGLG Regional Validation Team na sina Engr. Celia Martal, Engr. James Carlo Fadrilan, Engr. mula sa Provincial Office ng DILG, Pastor Fritz Carnaje – CSO Noveleta, at Nina Norisa Maranga – OIC Section Chief, COS, DILG, P.O.”
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.