Isinagawa noong August 02, 2023 ang seminar para sa mga kumakandidato bilang Punong Barangay, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan Chairman at Members na ginanap sa 3rd Floor Revilla Hall. Isa sa mga nag-organisa ng seminar ay ang Commission on Elections (COMELEC) sa pangunguna ni Atty. Justine Marie B. Dela Cruz, Election Officer ng Bacoor City.
Nagbigay ng pormal na pagbati si Atty. Mitzelle Veron Moales-Castro (Regional Election Director, Bacoor) at naghatid naman ng inspirational message si Chairman George Erwin M. Garcia at Commissioner Rey E. Bulay sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation.
Mayroong dalawang uri ng paksa ang seminar— nariyan ang COC Filing at Paalala ukol sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Layunin ng seminar na ito na ipaunawa ang kahalagahan ng isang mabuting kandidato sa bawat barangay at kabataan. Ipinahayag rin ang mga importanteng aktibidad na ginagawa ng COMELEC upang maging maayos at patas ang botohan na magaganap sa October 30, 2023.
Dinaluhan naman ito ng mga kilalang kawani ng Lungsod na sina Commissioner Nelson J. Celis, Ms. Charmaine Lopez (DILG), at Atty Monalisa C. Mamukid (Regional Election Director, CALABARZON).
Maging responsable at matalino bilang isang kandidato.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.