Ang distribusyon ay naganap kanina sa Strike Gym, na naglalayong tumugon sa edukasyonal na pangangailangan ng mga kabataan.
“Laban para sa kinabukasan ng kabataan, gagawin ko ang lahat para maisaayos pa sila…Mag-aral mabuti, kayo ang pag-asa namin. Huwag niyo sasayangin ang kinabukasan niyo…Pangarap niyo, pangarap namin,” pagbabahagi ni Mayor Strike B. Revilla.
Ito’y isinagawa sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Lilian Ugalde.