Ito ang naging pangunahing tutok ng Housing Sumiit 2022 na isang joint activity ng City Government of Bacoor at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nagsimula kanina sa Bacoor Government Center. Ang programa ay binuksan ni Atty. Jesson G. Labao, OIC-City Administrator/HUDRD of Bacoor LGU. Nagbigay din ng mensahe si District 2 Congresswoman Lani Mercado-Revilla na inihayag ang kaniyang suporta sa programang ito. Idinetalye rin ni Atty. Jann Roby R. Otero, Regional Director ng DHSUD Region IV-A ang inisyatibong ito maging ang iba pang programa ng ahensya para sa rehiyon. Karangalan din ng lungsod ang pagdalo ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na nagbigay din ng mahalagaang mensahe ukol sa programang ito ng ahensya. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Strike B. Revilla na idiniin din ang kahalagahan ng inisyatibong ito para sa bawat Bacooreno. Bilang simbolo ng pagtaya ng DHSUD at Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa programang ito, nagkaroon din ng ceremonial manifesto signing na dinaluhan ng mga opisyal ng ahensya at local na pamahalaan. Pormal ding binuksan ni City Councilor Alde F. Pagulayan ang Housing Fair, Exhibit, at HOA Clinic.