Sa pagdiriwang ng Undas mula October 31 hanggang November 2, 2023, ang City Government of Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ay naglaan ng mga Public Assistance Desk (PAD) sa mga strategic areas upang umalalay sa ating mga mamamayan.
Sa pakikipagtulungan ng mga ahensya tulad ng Bacoor PNP, BFP, BJMP, AFP, at City Government of Bacoor, layunin natin na pangalagaan ang seguridad, kapakanan, at mapanatili ang kaayusan sa Lungsod ng Bacoor.
Para sa inyong impormasyon ang ating mga Public Assistance Desk ay matatagpuan sa mga sumusunod na lokasyon:
1. Bacoor Public Cemetery 2 – Matatagpuan sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor.
2. Bacoor Public Cemetery 1 – Matatagpuan sa Brgy. Maliksi 3, Bacoor.
3. Eternity Memorial Park – Matatagpuan sa Brgy. Kaingen, Bacoor.
4. Catholic Cemetery – Matatagpuan sa Brgy Camposanto, Bacoor.
5. Bacoor Memorial Garden – Matatagpuan sa Brgy. Camposanto, Bacoor.
6. Angelus Eternal Garden – Matatagpuan sa Brgy. Panapaan 7, Bacoor.
7. Silangan Memorial Garden – Matatagpuan sa Brgy. Ligas 2, Bacoor.
8. Santuario Divino – Matatagpuan sa Brgy. Molino 1, Bacoor.
9. Heavenly Peace Memorial Garden – Matatagpuan sa Brgy. Molino 2, Bacoor.
10. Molino Public Cemetery – Matatagpuan sa Brgy. Molino 2, Bacoor.
Sa mga oras ng pangangailangan, maaari rin kayong tumawag sa aming Hotline 161. Ang hotline na ito ay bukas at handang tumugon sa atin 24/7.
Sa panahon ng Araw ng mga Kaluluwa, ipaabot natin ang tamang pagbati at respeto sa ating mga namayapa.
Ingat po kayong lahat at mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!
As We STRIKE AS ONE, dito sa Bacoor, At Home Tayong Lahat Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.