Kasama si Cavite Governor Jonvic Remulla, Mayor Jenny Austria Barzaga ng Dasmarinas at Mayor Ony Ferrer ng General Trias, nakibahagi tayo sa isang simulation exercise kung saan ang target ay makapagpabakuna ng 30 katao bawat oras. Naging maayos naman ang proseso at ipasasatupad ito sa mga susunod na araw.