Isang dating security guard naman mula sa San Nicolas II ang nagsimula ng kanyang gulayan. Nag-aalaga din siya ng mga itik, bibe, at manok. Ayon sa kanya, isa diumano ito sa pinakamalakas na demand ngayon sa merkado.
Nakaalalay ang City Agriculture Office sa ating mga magsasaka para masigurong magiging matagumpay ang kanilang mga inisyatibo.