Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Bacoor Government Center (BGC), bilang bahagi ng ikalawang quarter na pagsasanay sa buong bansa.
Sa pagsasanay na ito, ipinakita ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang tamang paraan ng paglikas sa mga establisyemento kapag nagkaroon ng sakuna o lindol. Layunin ng programa na ito na tiyakin na alam ng bawat BacooreƱo ang tamang hakbangin sa panahon ng sakuna.
Ilang minuto ring nanatili sa labas ng City Hall ang mga tao bilang pagsunod sa mga protocol na ibinigay ng Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office (BDRRMO).