Tunay na naging espesyal ang isinagawang Flag Raising Ceremony noong January 8, 2024, dahil bukod sa pagsalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa panibagong taon ng pagseserbisyo sa bawat Bacooreño, ipinagdiwang din ang kaarawan ng minamahal na At-Your-SerVICE, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola.
Ang nasabing okasyon ay nagbigay-daan sa mga opisyal at kawani ng Lungsod na ipahayag ang kanilang buong paggalang at pasasalamat kay Vice Mayor Rowena sa pamamagitan ng mga espesyal na pagtatanghal mula sa kanyang mga kasama sa Office of the Vice Mayor, at mga mensahe mula sa mga taong malalapit sa kanya.
Inilahad din ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang mensahe ng pagmamahal sa kanyang Ate Wena, gayundin si City Councilor Reynaldo Palabrica na nagpahayag ng pagkilala sa malaking kontribusyon nito sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Sa pagtatapos, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Vice Mayor Rowena sa mga ito, kasabay ng pangako na mananatili siyang tapat at magsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong makakabuti sa lahat.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.