Nagkaroon ng pagpupulong ang mga lider ng mga magulang na kasapi ng 4P’s. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Revilla Hall noong ika-25 ng Pebrero, 2024.
Kasama sa mga dumalo ang mga sumusunod na personalidad: si Mayor Strike B. Revilla, si Konsehala Karen Sarino Evaristo, at si Kap. Randy Francisco, ang Vice President ng Liga ng Barangay, kasama ang mga kinatawan mula sa DSWD. Bukod sa kanila, mayroon ding 335 liders ng mga magulang na kasapi ng 4P’s na nagpartisipa sa aktibong pag-uusap.
Ang layunin ng pulong ay upang magkaroon ng kamustahan segment at ipamahagi ang mga grocery packs at AICS sa mga lider ng mga magulang ng 4P’s. Bilang karagdagan, sinabi ni Mayor Strike na ang lahat ng 9,000 miyembro ng 4P’s ay bibigyan din ng 5 kilong bigas mula sa Bacoor LGU. Hinihikayat din ni Mayor Strike ang mga magulang na manood ng live sa SBR page, maging miyembro, at mag-subscribe sa ating Viber community at iba pang social media platforms upang maging updated sa mga proyekto ng LGU tulad ng mga housing projects.
Sa pulong, ipinaalala rin ang mga sumusunod na mga hakbang na dapat gawin ng mga lider ng mga magulang:
1. Magparehistro para sa voters registration.
2. Kumuha ng SBR card dahil marami ang benepisyo na matatanggap kapag meron nito ang mga Bacooreño.
3. Gamitin ang action center para sa mga pangangailangan tulad ng medikal, pinansyal, GL, at libing. Hindi na kailangang pumunta sa tanggapan ni Mayor Strike para magpa-pirma.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagtitipon, nagkakaroon ng mas malalim na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro ng 4P’s at ng lokal na pamahalaan ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.