Isinagawa ang Ribbon Cutting and Blessing ng “ONERGY SAFETY TRAINING CENTER” na dinaluhan at sinuportahan ng City Government of Bacoor sa pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola katuwang ang Department of Labor and Employment sa pangunguna ng kanilang Provincial Director Marivic V. Martinez sa Paseo De Bacoor.
Layunin ng proyekto na ito na makapagbigay proteksyon at masigurado ang seguridad ng mga mamamayan ng Lungsod ng Bacoor, dahil prayoridad ng ating butihing alkalde ang mabuting kalagayan ng bawat residente.
Dinaluhan naman ito nina Dr. Abraham De Castro – PESO Head, Bacoor City Councilors, Dr. ONESIMO Panaligan – Resident OSH Consultant, Krizzia Nicole Panaligan – General Manager of ONERGY at ni Loida M. Panaligan – Marketing Communication Manager.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.