Sa pagtutulungan ng City Government of Bacoor katuwang ang CVSU, MPT South Management Corporation at CALAX CAVITEX, ginanap ang “Drayberks B.I.S.A” sa SM City Bacoor, 4th Floor Cinema Lobby.
Nilahukan ito ng transport groups at mga motorista mula sa iba’t – ibang barangay ng ating Lungsod. Sila’y nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng impormasyon ukol sa Mini Skills Building Seminar. Layunin ng programang ito na mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa pagmamaneho sa kalsada at ang palaging pag-check ng kondisyon ng kanilang mga sasakyan lalo na kung may leak ang oil at maayos na break, hangin, lights at tubig.
Dinaluhan din ito nina COS Noel Domdom, Arlette V. Capistrano – Vice President Communications & Stakeholder Management Division, Ma. Fatima Zuniaga – Department Chairperson Cavite State University at ni Mr. Ricardo Vidal – Chairperson Diamante Transport Service Cooperative.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.