Nasa higit 1500 ang mga lumahok sa Strike Gymnasium para sa isinagawang OFW’s: Saan mang Panig ng Mundo Galing at Katatagan Mo’y Hinahangaan.
Layunin ng programang ito na makapagbigay tulong pinansyal at pangkabuhayan sa ating mga kababayan.
Dahil dito binigyang pagkilala din ang mga ibat-ibang OFW na naging bahagi Ng Tulong Puso kung saan sila ay nakatanggap ng mga financial grants mula sa OWWA.
Pinangaralan ang Bacoor Focal Person OFW na si Ms. Janet Delo Santos bilang katuwang ni Mayor Strike Revilla at Ng PESO OFW Help Desk sa pagtataguyod ng Proyekto para sa mga OFW.
Gayunpaman, kilala ang Bacoor, dahil sa kanilang magandang participation sa OWWA program tungkol sa pagtatawid natin sa ating mga Bacooreñong OFWs sa panahon ng COVID-19.
Maliban dito, nagkaroon din ng pagkakataon na maipakita ang mga produkto ng mga Micro Small Business Enterprises tulad na lamang ng mga sumusunod:
1.CBDRP
2. BJMP
3. GREEN EARTH
4. LOVE NINA
5. JOELINA PRODUCTS (Perfume and Soap/Dishwashing)
6. FARM DELIGHTS
7. BAON VINEGAR
8. DANCHELLE BAKERY
9. MINAYS SWEET DELICACIES
10. TITA EMS HOMEMADE
11. JDL SWEETS
12. CITY OF BACOOR FOOD PROCESSING CENTER
Todo suporta naman ang ating Congresswoman Ate Lani Mercado – Revilla at si BM Ram Revilla Bautista. Dumalo rin si Councilor Rey Fabian, Vice Mayor Atty. Leif Laiglon A. Opiña, Alan A. Ignacio Regional Director OWWA at si Mr. Francisca P. Lanuza OWWA OIC Program and Services Division.
Pinangunahan ang programa na ito ng Bacoor Public Employment Service Office, City Livelihood and Development Office at ng The Overseas Workers Welfare Administration sa pangunguna nina Dr. Abraham “Bob” De Castro at ni Ms. Lita Gawaran.
You sent
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.